pana-panahon
didilim
kikidlat
kukulog
babagsak ang malalaking butil ng ulan
hahampas ang nangangalit na hangin
sasabay sa pagsayaw ang mga niyog
yuyuko ang mga kawayan
tila ba’y sasamba sa kalabang walang patawad
aapaw ang ilog
nagyaya pa ng mga bato’t putik
yayakapin ang mga poste ng bahay
pati ang mga bubong tila’y gustong angkinin
titigil ang tagiktik ng ulan
huhupa na ang hangin
mamahinga na rin ang ilog
may ngingiting bahaghari
tatahimik
magliliwanag
bagong simula
bagong pag-asa
View →